ILLEGAL MINING | 4 indibidwal, arestado ng NBI

Bulacan – Sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation sa Barangay Casalat, San Ildefenso, Bulacan, naaresto ang mga suspect na sina Ronald Marcelo del Rosario, Jeffrey Ubas Oquia, Edilberto Villamor Delos Santos at Edison Villamor Delos Santos na naaktuhang iligal na nagmimina ng mineral na limestone sa lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI, walang quarrying permit ang mga suspect kaya’t hindi sila awtorisado na makapagmina sa lugar.

Kinumpiska mula sa mga ito ang mga naglalakihang equipment na ginagamit sa pagmimina, na tinatayang aabot sa 4 na milyong piso ang halaga.


Sa kasalukuyan, nananatili sa kustodiya ng NBI Detention Center ang apat na suspect at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings ng Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments