HINDI SAPAT | Pagsasampa ng kaso kaugnay sa Boracay, hindi dapat sumentro sa mga lokal na opisyal lamang

Manila, Philippines – Hindi sapat para kay Senator JV Ejercito na tanging ang gobernador lamang ng Aklan at iba pang local officials ang makakasuhan dahil sa hindi magandang kondisyon ngayon ng Boracay.

Pahayag ito ni Ejercito sa harap ng plano ng Department of Interior ang Local Government o DILG na kasuhan ang mga local officials sa pangunguna ni Aklan Governor Florencio Miraflores dahil sa kabiguan umanong proteksyunan ang isla ng Boracay.

Giit ni Ejercito, dapat ay kasuhan din ang mga opisyal ng iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno na nagpabaya kaya nangyari ang pag-abuso sa Boracay island.


Kabilang aniya dito ang mga pang opsiyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensya.

Facebook Comments