
Ikinalugod ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang panibagong pasabog ni Ramil Madriaga partikular ang inilabas nitong handwritten letter na may petsang April 11, 2026.
Kabilang sa nakasaad sa naturang sulat-kamay ni Madriaga ang aniya’y plano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos para ipalit si VP Sara.
yon kay Atty. Salvador Paolo Panelo, Jr., abogado ni VP Sara, mas pabor sa kanila kung magsasalita nang magsasalita si Madriaga.
Sinabi ni Panelo na sa pag-testify ni Madriaga, lalabas ang butas sa krebilidad nito at mapapatunayan ang kanyang pagsisinungaling.
Pinabulaanan din ng legal team ni VP Sara ang mga alegasyon ni Madriaga hinggil sa sinasabing secret term-sharing agreement, pagpapatalsik kay PBBM at ang akusasyong assassination plots laban sa pangulo.










