HIWALAY NA | Tunay na estado ng relasyon nina Alessandra De Rossi at Marc Abaya, ibinuyag

488

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang ginawang pagbu-bunyag ng aktor na si Empoy Marquez hinggil sa tunay na estado ng relasyon nina Alessandra De Rossi at Marc Abaya.

Kinumpirma kasi ni Empoy na matagal nang hiwalay sina Alessandra at Marc.

Matatandaan na minsan nang inihayag ni Alessandra na kailanman ay hindi niya kinumpirma na naging sila ni Marc kung saan matagal nila itong itinago sa publiko.

Sinabi pa ni Empoy na single na ngayon si Alessandra pero hindi pa daw ata siya ready magkaroon ng boyfriend.

Naitanong ito kay Empoy dahil naging malapit silang magkaibigan ni Alessandra mula nang pagtambalan nila ang 2017 blockbuster movie na Kita Kita hanggang sa muli silang nagkasama sa isang teleserye.

Facebook Comments