Honda XRM kinarnap sa lungsod ngunit narecover sa Sultan Kudarat Manguindanao

Isang Honda XRM 125 ang kinarnap noong biyernes ng gabi sa de masenod street particular sa Traffic jam resto bar cotabato city.Kinilala ang biktima nasi Russulo Lauban Moson 31 anyos na kawani ng City Engineering office at residente ng San Pablo Village barangay RH-11. Batay sa kanyang report sa PP2, dakong 6:45 ng gabi ay ipinarada lamng nito ang kanyang kulay pulang XRM sa naturang lugar na may plakang ME-4451 ng karnapin ng hindi pa nakikilalang suspect.Kanya pang hinanap sa katabing establishemento ang motorsiklo ngunit nabigo siyang makita ito. Samantala, kahapon ay nakipag-ugnayan ang Sultan Kudarat PNP sa tanggapan ng Traffic Management Center ng siyudad at ipinawagan ang narecover nilang Honda XRM na dalawang araw ng inabandona sa isang barangay ng Sultan Kudarat. Nang tumawag ang TMC sa PP2 ay ditto nabatid na yun pala ang nakarnap na motorsiklo sa de masenod street.Kayat kahapon ay kaagad na nagtungo si PP2 Deputy commander Police Insp.Rene Cantor sa Sultan Kudarat PNP para kunin ang XRM.Ayon sa paniniwala ng kapulisan na baka naubusan ng gasolina ang motorsiklo kung kayat iniwan na lamang ng mga karnaper ang XRM sa tabi ng kalsada.

Facebook Comments