
Hindi na itutuloy ng House prosecution panel ang plano na bawasan ang 11 myembro nito kasunod ng paghihigpit ng Senate Impeachment Court sa pagpapatupad ng sub judice rule.
Una rito ay binalak ng House prosecution team na ilang miyembro nito ang alisin bilang prosecutors at gawing tagapagsalita upang makaiwas sila na malabag ang patakaran kaugnay sa sub judice o pagtalakay sa publiko ng merito ng impeachment trial.
Pero diin ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, hindi na ito mangyayari at sa halip ay sisikapin nilang maipaliwanag sa taumbayan ang itinatakbo ng paglilitis ng hindi nasasagaan ang merito ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Dagdag pa ni Chua, halos nasa finish line ang paglilitis dahil kung matutupad ang kanilang target ay baka abutin ng isang buwan na lang o sa Nobyembre ay matapos na ang impeachment trial.
Binanggit ni Chua, na maaring sa susunod na linggo ay masimulan na ang ikatlong article of impeachment patungko sa bribery o panunuhol umano ni VP Sara sa mga opisyal Department of Education (DepEd).










