Wednesday, September 9, 2026

Pahayag ni Atty. Jay Tolosa kay Atty. Michael Poa na “abogadong walang alam”, pinatanggal sa record ng Impeachment Court

Pina-strike off the record ni Atty. Shiela Sison ng defense counsel ang nasabi ni Atty. Jay Tolosa Jr., ng prosecution team ang katagang “abogadong walang alam”.

Sa Day 21 ng impeachment trial ay iniharap ng prosekusyon ang tagapagsalita at defense counsel na si Atty. Michael Poa na idineklarang hostile witness dahil ito ay panig sa depensa ni Vice President Sara Duterte.

Hiniling ni Atty. Shiela Sison ng defense team ang pagpapatanggal ng katagang sinabi ni Tolosa kay Poa na “abogadong walang alam” at iginiit na may mga karapatan ang testigo laban sa mga irrelevant, hindi tama at nakakainsultong tanong.

Nagpaliwanag naman si Tolosa na hindi niya intensyong insultuhin si Poa at nangtawiran na kaya niya nasabi ang katagang “abogadong walang alam” ay dahil paulit-ulit na sinabi ni Poa sa pagdinig ng Kamara noong 2024 na wala itong nalalaman sa paggamit ng DepEd sa confidential funds gayong siya ang inatasan ni Duterte na tumugon sa audit observation memorandum (AOM) ng Commission on Audit (COA).

Iginiit naman ni Sison na nakatitiyak siya na may ibang vocabulary o salitang pwedeng gamitin si Tolosa maliban sa salitang “walang alam” kung ang totoong walang intensyon na insultuhin ang abogado.

Sa huli ay nagruling si presiding officer Chiz Escudero na alisin sa record ng paglilitis ang naturang kataga.

Pinaalalahanan din ni Escudero ang mga counsels ng dalawang panig na huwag gumamit ng mga ganitong salita sa kapwa abogado.

Facebook Comments