Wednesday, September 2, 2026

MMDA patrol na dumaan sa EDSA Busway, isinuko sa LTO

Boluntaryong isinuko sa Land Transportation Office (LTO) ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) patrol vehicle matapos itong dumaan sa EDSA Busway at gumamit umano ng plakang hindi tugma sa sasakyan.

Ayon sa LTO, dumaan ang naturang patrol vehicle sa southbound lane ng EDSA Busway, na nakuhanan ng video at agad na nag-viral sa social media.

Sa beripikasyon, nadiskubre rin na ang plakang nakakabit sa sasakyan ay nakarehistro umano sa isang truck at hindi sa nasabing SUV patrol vehicle.

Dahil dito, sinuspinde ang lisensya ng driver habang inalarma naman ang naturang patrol vehicle.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng LTO ang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at iba pang kaukulang proseso.

Giit ng ahensya, mananagot sa ilalim ng batas ang sinumang mapapatunayang lumabag sa traffic regulations, anuman ang ahensya o tanggapang nagmamay-ari ng sasakyan.

Facebook Comments