Thursday, April 16, 2026

Albania, nangangailangan ng 20,000 manggagawa — DMW

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na nangangailangan ang Albania ng humigit-kumulang 20,000 dayuhang manggagawa.

Partikular na kukunin ang mga foreign workers para sa tourism, hospitality, at service sectors.

Kaugnay nito, nakipagpulong sa mga opisyal ng DMW si Non-Resident Ambassador-designate of Albania to the Philippines, Ermal Muça.

Sa naturang pagpupulong, napagkasunduan ng dalawang panig ang pagpapalakas ng ligtas at maayos na deployment ng mga manggagawang Pilipino.

Tiniyak din ni Ambassador Muça na mas marami pang oportunidad ang naghihintay para sa mga Pinoy workers sa Albania.

Facebook Comments