HUBO’T HUBAD | Nude restaurant sa Paris, binuksan

Paris – Binuksan na sa Paris, France ang pinag-uusapan ngayong nude restaurant ang O’naturale na brainchild ng mga negosyanteng sina Mike at Stephane Saada.

Bukas lang para sa dinner hour ang restaurant at kailangan mo munang magpa-reserve bago makakain dito.

At dahil nude restaurant, literal na nakahubo’t hubad ang mga kumakain dito!


Pero para protektahan ang mga guest mula sa mga perverts o curious passersby, may takip na malaking kurtina ang pinto ng restaurant.

Samantala, hindi ito ang kauna-unahang nude resto sa Europe dahil taong 2016 nang buksan sa London ang Bunyadi.

May mga naked restaurants din sa Tokyo, Japan at Melbourne, Australia.

Facebook Comments