NAGHIHINTAY NA LANG | PNP Chief, may bagong posisyon agad sa oras na magretiro

Manila, Philippines – Inamin mismo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na may naghihintay nang posisyon sa kanya sa gobyerno sa oras na magretiro ito sa serbisyo sa darating na Enero a bente-uno.

Ayon kay PNP Chief, inalok siya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pwesto sa isang ahensyang napakahirap aniya ang trabaho kung saan lahat nang namuno nito ay hindi nagtagumpay.

Pero tumanggi na si Dela Rosa na ibunyag pa kung saang ahensya siya mapupunta dahil baka hindi naman daw ito matuloy.


Hindi lang isang beses kundi paulit-ulit na binabanggit sa kanya ng Presidente ang inaalok na posisyon.

Facebook Comments