HULI | Barangay kagawad sa Pangasinan, nahulihan ng armas at bala

Pangasinan – Kalaboso ang isang barangay kagawad sa Pangasinan matapos makuhanan ng mga armas at bala.

Kinilala ang suspek na si Nelson Pagador na nakuhanan ng isang unit ng calibre .45 at 11 bala nito, magazine at 11-bala ng shotgun na pawang walang dokumento.

Naaresto ang suspek sa bisa ng search warrant na inihain ng mga kawani mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Police Regional Office sa bahay nito.


Sa ngayon nasa kustodiya na ng provincial office ang kagawad para sampahan ng kaso.

Facebook Comments