HULING BATCH NG SPECIMEN SAMPLES NG AKLANON REPATRAITED OFW’S LUMABAS NA ANG RESULTA LAHAT NEGATIBO SA COVID-19 INFECTION

Kalibo, Aklan — Negatibo lahat sa Corona Virus Disease COVID-19 infections ang huling dalampung specimen samples mula sa 37 repatriated Aklanon overseas Filipino workers.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer 1 ng PHO-Aklan, natanggap nila kahapon mula sa Western Visayas Medical Center ang sub-national laboratory sa Iloilo City ang kopya ng confirmatory test result ng mga ito.
Matandaang dumating sa Aklan noong April 29, 2020 ang 37 repatriated OFW’s kung saan lahat sila ay kinunan ng specimen samples ng PHO-Aklan para isailalim sa laboratory test at sa kabuuang 37 specimens, labingpitong resulta ang unang natanggap ng PHO-Aklan noong May 5 at isa ang nagpositibo sa COVID-19 infection.
Ikinatuwa naman ni Dr. Cuachon ang confirmatory test results ng huling batch ng specimen samples ng nasabing mga repatriates na wala ni isa ang nag positibo sa virus, pero kinakailangan pa aniya nilang tapusin ang 14 day hotel quarantine bago sila papayagang makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments