Banga, Aklan- Humigit kumulang sa 200 na mga residente ng Brgy. Cupang, Banga ang nagpetisyon laban kay punong Barangay Riza Relojo dahil sa kinasasangkutan nitong anomalya sa paggamit ng pondo ng barangay. Ayon kay Kagawad Emily Rentino, na umabot na sa 218 ang lumagda sa petisyon na gustong patalsikin ang naturang kapitan. Sa panayam ng RMN DYKR kalibo kay Rentino sinabi nito na hinihintay nalamang nila ang magiging findings at rekomendasyon ng Commision on Audit sa isinagawang imbestigasyon matapos ipinaabot ng barangay council ang nasabing concern. Matatandaang inamin ng kapitana na umabot sa P939, 000 na pondo ng barangay ang nagastos nila kasama ang treasurer na si Mrs. Lourdes Zambrona para sa personal na pangangailangan habang ang iba ay ginamit din umano para sa barangay. Napag alamang binigyan ng sampung araw ng MLGOO Banga ang kapitan at treasurer para linawin ang isyu, at sa oras na hindi ito makatugon ay i-aakyat na ang reklamo sa DILG Aklan. Dahil dito dismayado naman ang miyembro ng konseho matapos na hindi natanggap ang kanilang cash gifts at pagkadelay ng honorarium dahil sa negative na ang kanilang pondo sa bangko.
Facebook Comments