IBA’T IBANG AHENSYA SA LA UNION, NAGKAISA SA PAGTATAAS NG SAGISAG NG IKA-176 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG LALAWIGAN

Nagkaisa ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, opisyal, at lokal na lider sa La Union sa isang sabayang flag rite bilang paggunita sa ika-176 na anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan.

Nagsimula ang programa sa San Fernando City kung saan sama-samang itinaas ang sagisag ng lalawigan bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamalaki sa kasaysayan at tagumpay ng La Union.

Kasabay ng seremonya, isinagawa ang La Union: Agkaysa formation march ng mga kalahok, na humantong sa isang malaking human formation na kumakatawan sa nagkakaisang hangarin ng probinsya.

Bilang dagdag na handog sa pagdiriwang, isinagawa rin ang paragliding display sa baybayin na may dalang banner ng naturang Founding Anniversary.

Ang taunang pagtitipon ay naglalayong gunitain ang nakaraan ng La Union at patatagin ang kolektibong mithiin para sa mas maunlad na kinabukasan ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments