
Mariing nanawagan ang Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement kasama ang iba pang grupo sa mga kinauukulan, kabilang si Vice President Sarah Duterte, na harapin na ang anumang proseso ng impeachment nang tapat at may paggalang sa konstitutusyon.
Ayon sa grupo, mapapatunayan naman kung may kasalanan o wala ang bise presidente sa impeachment kaya’t hindi nya ito kailangang takbuhan.
Ayon kay Giselle Albano ng Filipinos Do not Yield at ang tagapagsalita ng pinagsama samang grupo, isa rin sa ipinaglalaban nila ay ang tungkol sa confidential funds ng bise presidente.
Lumahok sa naturang kilos protesta ang mga grupong Alyansa Bantay Kapayapaan, Demokrasya, Liga Independencia ng Pilipinas, People’s Alliance for Democracy and Reforms, at iba pa; maging ang Bunyog Pagkakaisa Party na nagsagawa rin ng hiwalay na kilos protesta sa parehong lokasyon at araw.
Isinagawa ang kilos protesta sa tapat ng Kamara de representante sa Pambansang Batasan, Quezon City ngayong Martes, April 14.










