
Walang planong humirit ng dagdag pondo sa Kongreso ang Malacañang sa gitna ng krisis sa langis.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sapat pa ang pondo mula sa 2026 General Appropriations Act para ipagpatuloy ang tulong ng pamahalaan.
Nasa P30 bilyon ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ayuda ng mga drayber, habang may P10 bilyon ang Department of Agriculture para sa magsasaka at mangingisda, at P2.5 bilyon naman ang Department of Transportation (DOTr) bilang fuel subsidy sa PUV drivers.
Giit ng Palasyo, kontrolado ang sitwasyon at sapat ang kasalukuyang pondo upang harapin ang epekto ng tensyon sa Middle East.
Facebook Comments










