IBINIGAY NA | Speaker CGMA, nagbigay na ng direktiba sa mga kongresista

Manila, Philippines – Nagbigay na ng direktiba sa mga kongresista si House Speaker Gloria Arroyo sa ginawang luncheon meeting kanina.

Iginiit ni Arroyo na mahalaga ang resulta ng trabaho ng mga kongresista sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ayon kay Arroyo, may kanya-kanyang work ethics ang mga mambabatas at hindi niya ito pakikialaman.


Ang importante aniya ay ang output kung saan natatapos ng mga kongresista ang anumang trabaho na dapat gawin sa Kamara.

Isa na aniya dito ang panukala sa Disaster Management Department kung saan pinakilos niya agad ang mga komite at ang technical working group na dumidinig sa panukala na magsumite na ng report ngayong araw sa kanya.

Kabilang pa sa iba pang direktiba sa mga kongresista ay ang pag-aksyon sa mga legislative agenda na binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA kabilang dito ang coconut farmers fund at land use act.

Facebook Comments