IIMBESTIGAHAN | Isang bangkay ng lalaki, natagpuan sa Rizal Park

Manila, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang nakita sa Rizal Park sa may bahagi ng Maria Orosa sa lungsod ng Maynila.

Wala pang pagkakakilanlan ang nasawing lalaki na tinatayang nasa edad 60-anyos pataas.

Sobrang payat din ito at nakahiga lamang sa bangketa na pinaniniwalaang doon na natulog.


Ayon sa Manila Police District (MPD) Station 5, nakita na lamang na duguan at wala ng buhay ang lalaki.

Wala naman nakitang tama ng bala o saksak sa katawan ang mga imbestigador kaya at inalaam kung namatay ba ito dahil sa sakit.

Facebook Comments