INAMIN | Sharon Cuneta, muling binalikan ang nakaraan nila ni Richard Gomez

124

Manila, Philippines – Inamin ng Megastar na si Sharon Cuneta na umabot daw sa anim na taon ang relasyon nila ni Richard Gomez.

Matatandaan na alam ng publiko na isang lamang ang itinagal ng kanilang relasyon kaya at nagulat ang lahat sa ginawang rebelasyon ni ate Shawie.

Say ni Megastar, on-and-off daw ang takbo ng kanilang relasyon dahil hindi daw maiwasan na magkaroon ng tampuhan pero giit niya na talagang sweet at mabait si Goma.

Dagdag pa ni Sharon, dahil sa ganitong ugali ni Richard ay mas lumalim ang kanilang pinagsamahan kaya at swerte daw si Lucy Torres-Gomez lalo na at masipag ang mister pagdating sa pagpa-plano ng future ng kanilang buhay.

Facebook Comments