Ikalawang Ebola outbreak sa Guinea, opisyal nang natapos ayon sa WHO

Opisyal nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos ng ikalawang Ebola outbreak sa Guinea.

Idineklara ang outbreak sa Guinea nitong ika-14 ng Pebrero kung saan katapusan ng Enero nang mag-umpisa itong kumalat.

Si WHO official Alfred Ki-Zerbo ang nagdeklara ng pagtatapos ng outbreak na ikinatuwa naman ni Health Minister Remy Lamah at ng iba pang opisyal ng gobyerno.


Aabot sa 16 kumpirmadong indibidwal ang tinamaan ng Ebola sa Guinea kung saan 12 ang nasawi.

Unang naganap ang Ebola outbreak noong 2013 hanggang 2016 sa West Africa kung saan nasa 11,300 ang naitalang nasawi sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.

Facebook Comments