Naitalaga na ang mga karagdagang Chairperson ng mga komite sa senado.
Pinakamarami sa nabigyan ng Committee Chairmanship ay si Presidential sister, Senator Imee Marcos.
Apat na ang hawak na komite ni Senator Imee, ito ay ang Committees on Electoral Reforms at Cooperatives gayundin ang dalawang naunang komite na Foreign Relations at Social Justice.
Si Senator Mark Villar naman ay naihalal na Chairman ng Committee on Banks, habang si Senator Robin Padilla naman ang Committee on Public Information na dagdag sa unang ibinigay dito na Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Laws.
Si Senator Grace Poe ay sa Committee on Economic Affairs habang si Senator Ramon Revilla ay muling naitalaga na Chairman ng Civil Service Committee.
Samantala, si Senator Cynthia Villar ang humawak ulit sa Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change na dagdag sa naunang naibigay na Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.
Muli ring naibigay kay Senator Christopher “Bong” Go ang Committee on Sports, dagdag sa Committee on Health.
Dagdag pa rito, si Senator Nancy Binay ay Chairperson muli ng Committee on Tourism, si Senator JV Ejercito ang sa Committee on Urban Planning and Housing at si Senator Sonny Angara naman sa Committee on Youth na dagdag sa nauna na nitong hawak na Committee on Finance.