ILANG BARANGAY SA SABTANG, MAY KURYENTE NA

CAUAYAN CITY- Muling nagliwanag ang ilang kabahayan matapos maibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang Barangay sa Isla ng Sabtang, lalawigan ng Batanes.

Matatandaang isa ang bayan ng Batanes sa mga lugar na sumailalim sa tropical storm dahil sa bagyong Leon.

Ipinatupad naman ang Sabtang DDP Shutdown noong ika-30 ng Oktubre dahil sa pananalasa at paghagupit ni Bagyong Leon sa lugar.


Samantala, magsasagawa naman ng inspeksyon ang mga tauhan ng Batanes Electric Cooperative (BANELCO) sa iba pang barangay upang maayos at tingnan ang mga linya ng kuryente na maaaring nasira dahil sa bagyong Leon.

Facebook Comments