Ilang dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig bunsod ng mga pag-ulang dala ng Bagyong Jolina

Nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Bulacan kaninang alas-8:00 ng umaga.

Kaninang alas 6:00 ng umaga, umabot sa 101.23 meters ang water level sa Ipo Dam at patuloy itong tumataas dahil sa malalakas na pag-ulang dala ng Severe Tropical Storm Jolina.

Pinaalalahanan naman ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa Angat River bank sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na maging alerto sa posibleng pagbaha.


Samantala, nagbukas din ng ilang gate ang Ambuklao at Binga dam bunsod pa rin ng mga pag-ulan.

Facebook Comments