Bigtime rollback sa presyo ng diesel ang sasalubong sa mga motorista bukas, Nobyembre 29.
Base sa abiso ng ilang kompanya ng langis, nasa P3.95 ang itatapyas sa kada litro ng diesel, habang P0.85 naman ang bawas sa kada litro ng gasolina, at P2.65 sa kada litro ng kerosene.
Epektibong ipatutupad ng Caltex at Cleanfuel ang bawas-presyo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi habang alas-6:00 naman ng umaga bukas ang Shell, Seaoil, Petro Gazz, at PTT Philippines.
Ang rollback ay bunsod umano ng pagbaba ng demand sa China dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Samantala, nakaamba namang tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Disyembre.
Nasa P2 hanggang P3 ang posibleng dagdag-presyo sa LPG pero posible pang magbago ang presyuhan hanggang Miyerkules, Nobyembre 30.