Ilang mga barangay sa lungsod ng Pasay, muling inikot ng DZXL Radyo Trabaho

Muling inikot ng DZXL Radyo Trabaho team ang ilang barangay sa lungsod ng Pasay upang ihatid ng personal ang mga serbisyo at sorpresa sa mga residente.

Unang tinungo ng DZXL Radyo Trabaho team ang Brgy. 186 at 184 kung saan ilan sa mga residente dito ay personal natin nakausap upang matulungan na magkaroon ng trabaho.

Napag-alaman natin na karamihan sa mga residente na may trabaho dito ay malapit ng matapos ang kontrata lalo na’t seasonal na lamang sila.


Dahil dito, hinihimok natin ang bawat isa sa kanila na magbigay ng mga updated resume o ipadala sa email ng radyotrabaho@gmail.com.

Bukod sa mga flyers at sticker, may ilang mga residente rin sa bawat barangay ang nabigyan ng wall clock na souvenir ng DZXL Radyo Trabaho.

Nagpapasalamat naman ang ilang mga opisyal ng barangay lalo na’t napapanahon ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho upang mabawasan naman ang bilang ng unemployment rate ng kanilang barangay.

Sunod na pupuntahan ng DZXL Radyo Trabaho ang Brgy. 179 at 180 sa pangunguna ni Radyo Trabaho Head Lou Panganiban, Kuya Glenny at Pilot Earl.

Facebook Comments