Ilang militanteng grupo, nananatili at nagkakasa ng ilang aktibidad sa Liwasang Bonifacio

Nananatili sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang ilang militanteng grupo na parte ng “Kampuhan Laban sa Dayaan” na kaugnay sa katatapos na 2022 national and local elections.

Matatandaan na unang inihayag ng ilang grupo na nananatili dito ang anomalya at kapalpakan ng Commission on Elections (COMELEC) noong nakalipas na botohan.

Partikular ang pagka-aberya ng mga vote counting machines (VCMs) kung saan marami ring mga botante ang nabigong makaboto dahil nawala ang pangalan nila sa voters lists.


Ito na ang ikalatlong araw na sila ay nag-kampo dito sa Liwasang Bonifacio at nagtayo sila ng mga tent at nagsasagawa ng mga aktibidad at programa.

Kaugnay niyan, nagkasa sila ng Zumbayanan Laban sa Dayaan kanina at magkakaroon din sila ng story telling kasama ang mga biktima ng Martial Law, live mural making at iba pa.

Hindi naman sila natitinag kahit pa naglabas ng kautusan ang loka na pamahalaan ng Maynila hinggil sano permit, no rally policy dahil giit ng nila na ang ginagawa nila ay hindi saklaw ng ipinatupad nitong batas lalo na’t sila ay nasa freedom park.

Facebook Comments