Nananatili sa kritikal na kondisyon ang mga nakaligtas sa C-130 plane crash sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief General Cirilito Sobejana, sumailalim agad sa operasyon ang ilang survivor matapos silang mailigtas mula sa bumagsak na eroplano.
Samantala, ang iba naman aniya ay nagpapagaling pa rin sa Intensive Care Units.
Una nang ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang imbestigasyon sa nangyaring insidente na ikinasawi ng 53 katao kabilang ang 50 sundalo at tatlong sibilyan.
Facebook Comments