Ilang sektor sa pamahalaan, hindi saklaw ng National Government Rightsizing Program – PCO

Nilinaw ng Malacañang na may sektor ng mga empleyado sa gobyerno ang exempted sa Rightsizing Program ng gobyerno.

Sa paliwanag ng Presidential Communications Office (PCO) nakasaad na hindi saklaw sa National Government Rightsizing Program ang teaching at teaching-related positions sa mga eskwelahan, medical allied-medical items sa mga ospital gayundin ang military at uniformed personnel.

Exempted din sa rightsizing ang GOCC at government financial institutions na nasa ilalim ng Governance Commission for GOCCs.


Posible ring ipatupad ang rightsizing sa lehislatura, Office of the Ombudsman, constitutional commissions at LGU.

Maaaring magpatupad ang mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan ng rightsizing gamit ang prinsipyo at guidelines ng National Government Rightsizing Program.

Facebook Comments