iFM Laoag – Tumigil pansamantala ang lalawigan ng Ilocos Norte sa pagtanggap ng mga locally stranded individual (LSI) hanggang Setyembre 18 dahil sa pagtaas ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ang suspensyon ay magbibigay pahinga sa mga frontliner dahil ang mga quarantine facilities ay halos puno na ayun kay Gobernador Mathew Manotoc.
Ang moratorium ay naaprubahan ng National Inter-Agency Task Force for Immerging Infectious Diseases (IATF).
Nagtala ang lalawigan ng 86 kaso ng COVI1-9, 35 dito ay aktibo.
Sa bilang, 50 ang nakarecober at ang isa ay namatay sa Bayan ng Sarrat, ang bayan na pinaka apektado ng virus sa ngayon. ### Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments