Imam na police official, itinalagang hepe ng PNP Marawi

Marawi City – Isang Imam ang itinalagang hepe ng Marawi.

Ito ay sa katauhan ng Imam na si Supt. Ebra Moxsir na naupo na sa pwesto noong Lunes ( July 24).

Ayon kay PNP ARMM director chief Supt. Reuben Theodre Sindac, inaasahan nya ang ispiritwal at stratehikong pamumuno ni Moxsir sa Marawi police lalo pa’t kailangang bumangon ng siyudad mula sa pagkawasak ng gyera.


si Moxsir, aniya ang isa sa pinakakwalipikado bilang chief of police ng Marawi lalo’t doon ito ipinanganak at nag-aral ng kolehiyo.

Si Moxsir ang presidente ng Imam Council of the Philippines at 22 taong nanilbihan sa PNP chaplain service.

Pinalitan ni Supt. Moxir si Police Supt. Parson Asadil.

Facebook Comments