Immigration officers sa NAIA, nakasuot ng pulang arm band

77

Manila, Philippines – Pawang nakasuot ng pulang arm band ang mga immigration officers na naka-duty ngayon sa NAIA terminals 2 at 3.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng kanilang hirit na dagdag sweldo at dagdag benepisyo.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng immigration officers ang maayos na pagseserbisyo nila sa mga pasahero sa NAIA.

Una na ring nagsagawa ng mass leave ang immigration officers bilang protesta sa hindi pagbabayad sa kanikang overtime na nagdulot ng mahabang pila sa immigration counters.

Ang naturang protesta ng immigration officers ay nagdulot din ng pagka-antala ng ilang international flights.
DZXL558

Facebook Comments