Impeachment ni Comelec Chairman Andres Bautista, hindi panghihimasukan ng palasyo

32

Manila, Philippines – Ayaw nang makialam pa ng Palasyo ng Malacanang ang pagkakaimpeach ng Kamara kay Commission on Election Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos iakyat ng Kamara sa senado ang impeachment kay Bautista ilang oras lamang matapos ianunsiyo ni Bautista ang kanyang pagbibitiw sa posisyon na epektibo sa katapusan ng taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa usapin ng impeachment ay kongreso naman ang may hurisdiksyon dito at labas dito ang ehekutibo kaya hindi na sila magkokomento sa nasabing usapin.
Kinikilala naman aniya ng pamahalaan ang mga naiambag ni Bautista sa nagdaang halalan at ang paghahanda nito sa napostpone na Barangay at Sangguniang kabataan elections.
Nabatid na tiniyak ni Bautista na handa niyang harapin ang impeachment case laban sa kanya.

Facebook Comments