INANOD? | P120-M cocaine, natagpuan sa plastic container na nakita sa baybaying dagat sa Matnog

Sorsogon – Inaalam na ngayon ng Sorsogon Provincial Police Office kung kanino o saan galing ang natagpuang isang plastic container ng cocaine sa tabing dagat ng Juag Laggon sa Bayan ng Matnog.

Sa ulat, isang residente ang nakakita sa iligal na droga na agad nitong ipinagbigay alam sa mga pulis.

Unang inakala ng mga otoridad na shabu ang laman ng plastic container pero nang kanila itong suriin ay cocaine pala ang mga ito kung saan nasa 25 piraso ang mga ito at may bigat na tig-isang kilo habang mayroon itong street value na tinatayang aabot sa ₱120 milyon.


Hinala ng pulisya na posibleng galing ito sa ibang bansa at inanod lamang sa Sorsogon o kaya inihulog o nahulog ito sa dagat mula sa isang aircraft.

Facebook Comments