INJURED | Kevin Love, hindi makakapaglaro ng 2 buwan

NBA – Patuloy na inaalat ang Cleveland Cavaliers.

Posible kasing magpahinga muna ng hanggang dalawang buwan ang forward na Kevin Love.

Nagtamo kasi ng injury si Love sa kaniyang kaliwang kamay a sa laro ng Cleveland kontra sa Detroit Pistons.


Sa inisyal na diagnosis, may fracture o basag sa ikalimang metacarpal sa kaniyang kaliwang kamay.

Ayon sa mga doctor, ang ganitong injury ay tumatagal mula isa hanggang dalawang buwan bago gumaling.

Dahil sa injury lalong madadagdagan ang problema ng Cleveland na natalo ng sampung beses sa huli nilang labing-tatlong laro.

Facebook Comments