INTER-AGENCY COORDINATING CELL TUWING MAY SAKUNA, IPATUTUPAD SA ILOCOS REGION

Isinumite ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) 1 ang resolusyon ukol sa Emergency Operations Center (EOC) Standard Operating Procedures and Guidelines (SOPG) 2025 Version para sa pinalakas at nagkakaisang hakbang ng mga ahensya tuwing may sakuna.

Sa naging full council meeting nitong Disyembre, tinalakay ang mga bagong panuntunan mula sa nagkakaisang data and logistics, hanggang sa recovery operations matapos ang mga pagsubok na idinulot ng mga magkakasunod na bagyo sa Ilocos Region noong huling kwarter ng 2024.

Sa ilalim ng mekanismong Inter-Agency Coordinating Cell, gagampanan ng mga ahensya ang kanilang mga tungkulin bilang single response team.

Ipatutupad din ang anim na taong roadmap na Regional Disaster Risk Reduction and Management Plan 2026–2031 na tugma sa disaster mitigation plan na nakapaloob sa Philippine Development Plan.

Layunin na paigtingin ang kahandaan at koordinasyon ng mga ahensya sa pagtupad sa tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng mga residente sa oras ng pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments