Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hanggang 2027 na lamang tatagal ang kanilang reserve o ipon.
Ayon kay PhilHealth Acting Senior Vice President Neri Santiago, base ito sa natatanggap nilang koleksyon kumpara sa benefit payouts.
Gayunman, maaari pa aniyang magbago ito depende sa ibibigay na subsidiya ng gobyerno o ibibigay na benepisyo ng PhilHealth.
Iginiit naman ni Deputy Minority Leader at Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na maaari pa ngang mas tumagal ang ahensya base sa kanilang koleksyon at payments.
Inaasahan na aniya ang P57 billion loses ng ahensya ngayong 2021 pero mayroon pa naman itong pondo para sa reserve fund interest.
Dahil dito, pinagsusumite ni Quimbo ang ahensya ng 3rd party actuarial life para matukoy ang itatagal ng PhilHealth.