IPPO PERSONNELS AT PAMILYA NG MGA BAYANING PULIS, TUMANGGAP NG RICE SUBSIDY

Cauayan City – Naging matagumpay ang pamamahagi ng ayudang bigas sa pamilya ng mga bayaning pulis sa lalawigan ng Isabela.

Pinangunahan ni Province of Isabela Governor Rodito T. Albano III ang personal na pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo sa Isabela Provincial Police Office.

Watch more balita here: 𝟴.𝟲𝗠 𝗦𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗣𝗨𝗠𝗣, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔


Sampung kilong bigas ang natanggap ng 2,692 na pulis sa lalawigan ng Isabela habang nakatanggap rin ang 261 pamilya ng mga pulis na nasawi habang ginagawa ang kanilang trabaho.

Samantala, sinabi naman ni Gov. Albano sa kanyang mensahe na magiging tuloy-tuloy na ang pagtanggap ng bigas ng naiwang pamilya ng mga bayaning pulis sa lalawigan.

Dagdag pa nito, ipinapangako niyang kahit hindi na siya ang nakaupong gobernador sa lalawigan ay hindi matitigil ang pag-aabot ng tulong sa mga mamamayang Isabeleño.

Facebook Comments