Saturday, February 14, 2026

Isa pang cadaver, narecover ng PCG technical divers sa wreck site ng MV Trisha Kerstin 3

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na may narecover pang cadaver ang kanilang technical divers sa wreck site ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3.

Bunga nito, umaabot na sa 54 ang kabuuang bilang ng fatalities. May 293 naman na survivors at 25 ang nawawala.

Tiniyak ng PCG na patuloy ang kanilang paghahanap sa mga nawawala pang sakay sa karagatang sakop ng Basilan.

Iginiit din ng ahensya ang suporta sa paghahanap ng hustisya ng mga pamilya ng mga biktima ng trahedya.

Facebook Comments