Isang estudyante sa Ethiopia, nakagawa ng bagong world record sa pagbuga ng tubig ng tuloy-tuloy

22

Manila, Philippines – SaAddis Ababa, Ethiopia nasungkitng 20-anyos na si Kirubel Yilma ang Guinness world records na may pinakamatagalsa pagbuga ng tubig ng tuloy-tuloy.
 
Dahil dito, tinaguriansiyang “human fountain” matapos magbuga ng tubig sa loob ng 56.36 segundo.
 
Ayon kay Yilma,nakatulong sa kaniya ang pagiging medical student dahil nagbigay ito ngkaalaman ukol sa pagkontrol sa kanyang mga kalamnan.
 
Naisipan aniya niyangsumubok na magtala ng world record nang mapanood niya ang video ng taga-ghanana si Dickson Oppong na siya dating may hawak ng record na pinakamatagal napagbuga ng tubig ng tuloy-tuloy.
 
Ilang taon ding nagsanaysi Yilma bago ang kanyang world record attempt na nagbunga naman nangmalampasan niya ang 46.86 segundo na record ni Oppong.
 
 
 
 

Facebook Comments