Isang lalaki, arestado sa iligal na droga at hindi pagsusuot ng face mask sa Maynila

29

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan nng iligal na drgoa at hindi pagsusuot ng face mask sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakilala ang nadakip si Jaylord Lucero, 20-anyos na residente ng Pagulayan Street, Makati City.


Nasakote ang suspek sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng Sta. Ana Police Station sa may bahagi ng Onyx Street sakop ng Barangay 775, Zone 84.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na isanv gramo at nagkakahalaga ng P6,800.

Nabatid na ang suspek ay kilalang gumagamit ng iligal na droga sa kanilang lugar kung saan dumadayo pa ito ng ibang lugar para makakuha o makabili lamang ng iligal na droga.

Facebook Comments