Thursday, April 16, 2026

BAGONG GYM AT PARK NG KAPULISAN SA ALAMINOS CITY, PINASINAYAAN

Pormal nang binuksan ang 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) Fitness Gym, Peacekeepers Park, at Sansinirangan Hall sa Barangay Tanaytay, Alaminos City, Pangasinan noong Abril 15, 2026.

Pinangunahan ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang blessing at inauguration ng mga pasilidad na inaasahang magsisilbing espasyo para sa paghubog ng samahan ng mga kapulisan.

Ayon sa ulat, inilaan ang fitness gym para sa regular na physical training ng mga pulis. Samantala, ang Peacekeepers Park naman ay para umano sa relaxation, recreation at mental wellness ng mga police personnel, habang ang Sansinirangan Hall ay gagamitin para sa mga pagpupulong, seminar, at iba pang aktibidad ng organisasyon.

Tinututukan umano ng mga proyekto ang morale ng mga tauhan, maipakita ang suporta ng pamunuan, at higit pang mapalakas ang kakayahan ng pulisya na magbigay ng mabilis at epektibong serbisyo sa publiko.

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang mga kinatawan mula sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO), lokal na pamahalaan ng Alaminos City, at mga miyembro ng 1st PMFC Advisory Council. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments