Isang residential house tinupok ng apoy

Isang residential house ang nasunog kagabi sa bahagi ng Old Slaughter house sa mga Litsonan sa Tamse road at dona blanco street barangay Poblacion 4 cotabato city. Ayon kay Bureau of Fire and Protection Cotabato City spokesman Fire Officer 2 Aldrin Nara, bandang 6:31 kagabi ng makatanggap sila ng tawag o nag-umpisa ang sunog sa pamamahay ng isang Minda Ching, na mabilis na kumalat sa katabing mga bahay na yari sa light materials. Tumagal ng second alarm ang sunog at dakong 7:20 kagabi ng madeklarang fire-out na , na nagtulungan ang BFP cotabato city at ang Filipino Chinese Volunter Fire Brigade. Posible umano ang naiwang kandila ang naging sanhi ng sunog na hndi inakala na magliyab ng husto na tumupok sa naturang kabahayan..Sinabi pa ni FO2 Aldrin Nara na wala namang nasaktan sa sunog at tinatayang nasa 300,000 pesos ang initial na damage ng sunog.

Facebook Comments