Isang sugarol, pinagbabaril sa isang lamay sa Quezon City patay

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa harap ng isang bahay na may lamay sa Katarungan St. Brgy Batasan Hills QC.

Nakilala ang biktima na si Jerry De Vera 31 taong gulang residente sa lugar at ginawa ng propesyon o trabaho ang pagsusugal.

Ayon sa misis ng biktima isang text ang kanyang natanggap na may nangyaring hindi maganda sa kanyang Mr. habang nagsusugal sa lamay sa kanilang kapitbahay.


Dead on the spot ang biktima at nagkalat ang mga basyo ng bala sa paligid ng bangkay.
Nagsagawa na ng imbistigayon sa crime scene ang mga tauhan ng SOCO at CIDU ng QCPD.

Inaalam na kung ano ang motibo sa pamamaril kung saan ayon sa barangay hindi sangkot sa iligal na droga si De Vera at ni hindi napapaaway sa kanilang lugar.

Limang anak ang naulila ng biktima.

Samantala isang Mark Rafael 20 taong gulang ang nadamay sa pamamaril na tinamaan ng bala sa tuhod na agad naming isinugod sa Malvar hospital.

Facebook Comments