Kalibo, Aklan — Naging matagumpay ang isinagawang earthquake drill kahapon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Kalibo kaugnay sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Sa nasabing pagsasanay, ipinakita ng mga taga MDRRMO Kalibo ang abilidad at bilis pagdating sa pagrescue o pagsagip ng mga biktima kung sakaling may mangyaring lindol.
Kasama rin sa nasabing pagsasanay ang mga taga Kalibo Fire Station, Kalibo, PNP, Aklan Rescue Team, ilang mga taga pribadong hospital, responders at ang mga empleyado mismo ng munisipyo.
Samantala, naging positibo naman ang reaksyon ni Region 6 Director Jose Nunez ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa naging performance ng MDRRMO Kalibo.
Ayon kay Nunez ipinakita ng MDRRMO Kalibo ang kanilang makakaya para sa nasabing pagsasanay kahit na merong kahirapan ang kanilang mga ginawang eksena.
Magbibigay rin sila aniya ng mga rekomendasyon para na dagdag kaalaman.
Nagpasalamat naman si Mayor William Lachica sa mga taga RDRRMC, evaluators, MEDIA at sa lahat ng mga sumali sa nasabing pagsasanay.
Isinagawang earthquake drill ng MRDDMO Kalibo kahapon, naging matagumpay
Facebook Comments