ISINAPUBLIKO | Mga bibigyan ng national artist award bukas, inilabas na ng Malacañang

Manila, Philippines – inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang mga pangalan ng mga ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National Artist Awards.

Iginawad ni Pangulong Duterte ang parangal kay Francisco Mañosa sa larangan ng Architechture, Eric de Guia o kilala din bilang kidlat tahimik sa larangan ng Film, Ramon Muzones sa larangan ng Literature, Ryan Cayabyab sa larangan ng Musika, Amelia Lapeña Bonifacio sa larangan ng Teatro at Lauro Larry Alcala sa larangan ng Visual Arts.

Bukas gagawin sa Malacañang ang paggawad ng mga parangal na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa ikalawang pagkakataon naman ay nabigong muli si Nora Aunor na makuha ang National Artist Award matapos hindi din mapili ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino.

Ang National Artist Award ay ibinibigay sa mga Pilipinong malaki ang naiambag sa pagunlad ng bansa sa iba’t-ibang larangan.

Bukas din naman ay pangungunahan din ni Pangulong Duterte ang paggawad ng Manlilikha ng bayan awards, at Philippine Heritage Award dito sa Malacañang.

Facebook Comments