Arestado kanina ang isang membro ng Maute Isis group na nasa listahan ng Arrest Order number 2 ng Department of National Defense dahil sa paglabag ng article 134 o rebellion. Kinilala ang nahuling suspect na si Najiya Dilangalen Karon Maute, na isang engineer na di-umanoy maybahay ni Abdullah Maute, na kasamang nasawi ni Esnilon Hapilon sa marawi siege at siyang tumatayong dating lider ng ISIS sa south east asia. Bandang 2:30 ng hapon kahapon ng salakayin ng pinagsanib na pwersa ng CIDG-ARMM na pinangunahan ni Supt.Allan James Logan ang bahay ng suspect sa bahagi ng nayon sheriff barangau RH-3 bitbit nito ang arrest order number 2, kasama din nito ang CCPO, PP1, Regional Intelligence Division ng ARMM at Regional Mobile Force battalion. Ayon sa report, ilang buwan din pinlano ng mga intel operatives at close monitoring ng mga intel community ang galaw ng suspect bago ikinasa kahapon ng Oplan Pagtugis sa mga wanted person na sangkot sa rebellion sa marawi city… Nasa custodiya na ngayon ng CIDG-ARMM ang suspect na sumasailalim sa interogasyon.Sa ngayon ay daan –daan pang mga tao ang pinaghahanap ng otoridad na nasa listahan ng arrest order number 1 at number 2. Fully support naman si mayor Atty.Cynthia Guiani sa Cotabato City sa ginagawa ng mga law enforcement sa lungsod sa pagiging aktibo ng kapulisan na mahuli ang mga wanted sa batas.
Isis member arestado ng pinagsanib na pwersa ng otoridad
Facebook Comments