ISLA NG BORACAY | DAR, sinimulan na ang pagtukoy sa mga benepisyaryo ng mga lupain sa Boracay

22

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagtukoy sa mga benipisaryo ng mga lupain sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na oras na matapos ang rehabilitasyon ng isla ay ipamimigay niya ang mga lupa sa mga magsasaka.

Bagaman wala pang direktang utos ang Pangulo, sinabi DAR Secretary John Castriciones na maagap na silang magbubusisi kung sinu-sino ang maaaring mabigyan ng lupa sa isla.

Aniya, prayoridad ng gobyerno na bigyan ng lupa ang mga residente ng Boracay.

Pero kakanselahin aniya ang pag-award ng lupa kung matutukoy na ibinenta ito ng mga residenteng nagawaran.

Facebook Comments