Isyu ng term sharing sa posisyon ng speakership, di napag usapan sa pulong ng multi party na sumuporta kay Cong. Velasco

Nilinaw ni Cong. Dong Gonzales executive vice president ng  PDP-Laban na walang mangyayaring term sharing  sa 18th Congress.

 

Sa isang pulong balitaan sa QC, sinabi ni Gonzales na tatapusin ni Congressman Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na  ang kaniyang  termino bilang Speaker ng House of Representatives.

 

Ito aniya ang malinaw na nakasaad sa pinirmahang multi-party manifesto of support para kay Velasco .


 

Kabilang sa mga signatories ay mula sa NPC, Party List Coalition, PDP at Northern Luzon Alliance.

 

Aniya, nasa 60 na ang pumirma pero tinatayang aabot sa  200 na congressmen ang lalagda sa manifesto.

 

Sinabi naman ni Ron Munsayac, spokesperson ng PDP-Laban na napagkaisahan din ng partido na mahaharap sa sanctions ang sinumang miyembro na hindi tutupad sa napagkaisahan.

 

Itinanggi rin Gonzales na may hinihinging siyang posisyon kay Cong. Lord.

 

Aniya, layunin lamang nila na mapagkaisa at mapalakas ang  Iang PDP-Laban.

 

Kabilang sa matunog na magtutunggali sa posisyon ng  Speakership ay sina Leyte Rep. Elect Martin Romualdez, dating  Speaker Pantaleon Alvarez at  Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments