JLD-JAYVE CUP 2022, MULING BINUKSAN SA CITY OF ILAGAN

Cauayan City, Isabela- Muling binuksan sa Lungsod ng Ilagan ang JLD-Jayve Cup na nilahukan ng mga atletang kabataan at kanilang mga taga suporta mula sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod.

Inumpisahan ito sa pamamagitan ng parada na nagsimula bandang alas otso ng umaga kahapon sa Ilagan City Hall patungong Ilagan City Community Center, Centro Poblacion na pinangunahan ni City Councilor Jayve Diaz.

Tinatayang nasa 700 katao ang nakiisa sa nasabing aktibidad.

Ang liga ay binuksan para sa mga larong Basketball na may kategoryang 3on3 at 5on5; at Men and Women’s Volleyball.

Layunin ng nasabing programa na pasiglahing muli ang mga atletang kabataan at mailayo sila sa pagtutok sa mga Mobile games at magkaroon ng pisikal na interaction sa kapwa nila kabataan.

Matatandaan na dalawang (2) taon na ang nakalipas nang matigil ang mga contact sports dulot ng COVID-19 pandemic na ipinagbawal ng National Inter-Agency Task Force.

Muli lamang pinayagan ang mga ganitong aktibidad sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 kung saan kasama sa mga lugar ang lalawigan ng Isabela na nagsimula pa noong Marso 1, 2022.

Facebook Comments